Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Nobela?”
NOBELA KAHULUGAN – Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas.
Bukod rito, ang pangunahing layunin ng isang nobela ay ang paglahad ng hangarin ng bida at kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng pangyayari.
Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng nobela.
Mga Katangian ng Nobela:
- Madali at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan
- Nagsasalarawan sa lahat ng aspeto ng buhay
- Malikhain ang paglahad ng pangyayari
- Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
- Malinis at maayos ang pagka sulat
- Kaaya-aya
- Maraming magagandang tagpo kung saan higit na nakikilala ang mga tauhan
Mga Uri ng Nobela:
- Nobela ng Kasaysayan
- Nobela ng Pagbabago
- Nobela ng Pag – ibig o Romansa
- Nobela ng Pangyayari
- Nobelang Panlipunan
- Nobela ng Tauhan
Mga Bahagi ng Nobela:
- banghay
- damdamin
- pamamaraan
- pananalita
- pananaw
- simbolismo
- tagpuan
- tauhan
- tema
Mga Layunin ng Nobela:
- Gigising ang diwa at damdamin ng mga bumabasa
- Magbigay – aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
- Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
- Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
- Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Nobela: Mga Halimbawa Ng Nobelang Pinoy