Epekto ng Lindol: Anu-ano ang mga Ito?

Anu-ano ang mga epekto ng lindol?

EPEKTO NG LINDOl – Alamin kung anu-ano ang mga epekto ng pagyanig ng lupa.

lindol

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa “Pacific Ring of Fire” at sa kahabaan ng Pacific typhoon belt, dahilan kung bakit nakakaranas ito ng ibat-ibang uri ng sakuna gaya ng lindol.

Ayon sa Phivolcs o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang lindol ay isang biglaan, at mabilis na paggalaw ng lupa, na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon.

Humigit-kumulang dalawang libong pagyanig ang naitatala ng Phivolcs sa bansa taon-taon.

Bagaman lubhang delikado ang kalamidad na ito, ano nga ba ang ibat-ibang epekto ng lindol?

  • Pagkamatay ng mga tao at hayop
  • Pagguho ng Lupa- Kapag tinamaan ng pagyanig ang mga burol o bundok, ang mga materyal tulad ng bato at lupa ay lumuluwag at nagsisimulang gumalaw pababa. Ito ay nagiging sanhi ng pagguho ng lupa o landslide
  • Tsunami- Ito ay ang paggalaw ng tubig sa ilalim ng lupa na kung saan nagkakaroon ng pagtaas ng tubig na hindi inaasahan lalo na ang mga lugar na nakaharap sa malawak na katubigan.
  • Magdulot ng sunog- Maaaring kalugin ng lindol ang mga kable at bunutin ang mga poste ng kuryente. Sa ibang pagkakataon, napuputol ang mga linya ng elektrisidad at nagdudulot ng sunog.
  • Pagsabog ng mga bulkan- Maaring mabuhay ang mga aktibong bulkan dahil sa paggalaw ng lupa sa ilalim at ibabaw.
  • Pag-agos ng putik- Kaalinsabay sa pagguho ng lupa maari rin magkaroon ng pag-agos ng putik o mudflow.
  • Paglusaw- Ang lakas at tigas ng lupa ay nababawasan dahil sa pag-alog ng lupa dulot ng lindol. Kapag may lindol, nagbibigay ang tubig ng mas malakas na puwersa sa lupa.

Basahin:

Para sa karagdang kaalaman, wag kalimutang i-follow ang PhilNews.ph sa Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment