Antas Ng Wika – Ano Antas Ng Wika At Mga Halimbawa

Ano ang antas ng wika at halimbawa nito?

ANTAS NG WIKA – Alamin ang kahulugan ng antas ng wika na ginagamit ng mga tao at magbigay ng mga halimbawa para dito.

Ang wika ay bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Ito ang daan ng mga tao upang magkaisa, makisalamuha sa iba, makipagtalastasan, at mapaibayo ang paglilinang ng katalinuhan ng buong sangkatauhan. At ang antas ng wika ay isang mabisa na palatandaan ng tao kung anong uri at aling antas-panlipunan siya nabibilang.

Ito ang dalawang antas nahahati sa dalawa:

  • Pormal – ang standard at ginagamit ng nakararaming tao. Ginagamit ito sa mga pag-aaral, saliksik, mga peryodiko, aklat, at iba pang mahahalagang babasahin at sulatin.
    • Wikang Pambansa – ginagamit sa paaralan, pamahalaan, at sa iba pang mahalagang dokumento at talakayan.
    • Pampanitikan o Panretorika – ito ang mga matayog, malalim, masining, at makulay na pagkagamit ng wika.

Halimbawa ng pampanitika mula sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas:

“O, pagibig na makapangyarihan
Pag ika’y pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang.”

  • Di Pormal – ang wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, at madalas gamitin sa pakikipag-usap
    • Lalawiganin – ito ang wika na kadalasang may punto at tono. Bawat lalawigan at probinsya ay magkakaiba ang istilo at bigkas na nagpapakita ng kanilang natatanging karakter. Halimbawa ay ang Ilonggo, Ilokano, Cebuano, Waray, at maraming pang iba.
    • Kolokyal – mga pang-araw-araw na salita na may kagaspangan at pagabulgar at mauuri din dito ang pagpapaikli ng mga salita. Halimbawa ay Saan naroon – sanaron; naroon – naron; aywan – ewan; at marami pang iba.
    • Balbal – ang pinakamababang antas na karaniwang ginagamit sa lansangan. Halimbawa ay matanda – gurang; kotse – tsikot; kapatid – utol; pulis – lispu; Amerikana – kana; at marami pang iba.

BASAHIN:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment