Mga Bahagi Ng Sanaysay – Ang Tatlong Bahagi Ng Isang Sanaysay

Ito ang mga bahagi ng sanaysay at ang mga dapat mong malaman sa bawat bahagi.

MGA BAHAGI NG SANAYSAY – Alamin at talakayin ang tatlong importanteng bahagi ng sanaysay at isang halimbawa nito.

Pormal na sanaysay at di-pormal na sanaysay ay ang dalawang uri ng sanaysay na may pagkakaiba sa mga salitang ginagamit at mga paksa na tinatalakay. Ang isang sanaysay ay mayroong pitong elemento: tema at nilalaman, anyo at istruktura, kaisipan, wika at istilo, larawan ng buhay, damdamin, at himig.

Mga Bahagi Ng Sanaysay

Ito ang tatlong bahagi na bumubuo ng isang sanaysay:

  1. Panimula
    Ito ang pinakamahalagang bahagi. Sa simula pa lang ay dapat nang mapukaw ng sulatin ang interes ng mambabasa upang mapagpatuloy nitong basahin ang akda hanggang sa huli. Bukod sa makuha ang interes, dapat rin ay sa unang bahagi pa lamang ay mapukaw na nito ang damdamin ng mambabasa.
  2. Gitna/Katawan
    Ang bahaging ito ang tumatalakay ng mga mahahalagang punto, ideya, at mga kaisipan na may kaugnayan sa paksa. Dapat ay malaman at hitik ito sa mga impormasyon na sumusuporta at nagpapaliwanag ng mabuti ng pinag-uusapan.
  3. Wakas
    Ito ang magsasara ng komposisyon. Dito makikita ang buod o konklusyon ng isang usapin na maaring maisulat sa pamamagitang ng tuwirang pagsabi, panlahat na pahayag, pagtatanong, o pagbubuod. Maari ring maglagay ng kasabihan at paghahamon.

Tingnan ang isang sanaysay tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas na may panimula, gitna, at wakas:

Unti-unting umunlad ang Pilipinas tungo sa kaunlaran na hinahangad nito. Sapagkat ang pag-unlad ay maaari lamang matikman nang isang beses at lilitaw na panandalian, huwag nating hayaang mawala ito sa atin kahit na nasa loob natin ito.

Ang ating mga kahinaan na Pilipino sa usapin ng ekonomiya ng bansa ay hindi maitago sa atin. Ang pangarap ng mga Pilipino sa pag-unlad ng ekonomiya ay sa wakas ay natutupad.

Dahil din ito sa pagkakaisa ng mga Pilipino at pamumuno ng mga nasa posisyon ng kapangyarihan. Ayon sa media, ang ating bansa ay nakakaranas ng maraming positibong pagbabago, tulad ng pagtaas sa GDP at paglago ng ekonomiya.

Ang mga umiiral nang gusali, pabrika, at iba pang mga pasilidad na gumagawa ng mga serbisyo at produkto na nakikinabang sa ating ekonomiya ay katibayan nito. Idagdag pa sa lumalaking bilang ng mga negosyo at pag-unlad ng modernong transportasyon.

Gayunpaman, inaasahan ng sambayanang Pilipino na ang ekonomiya ay patuloy na lalago at magpapabuti sa hinaharap upang magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan. Mahalaga ang kooperasyon at pakikiisa kung nais nating magpatuloy na iangat ang ekonomiya ng bansa.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment