Dalawang Uri Ng Sanaysay – Ano Ang Dalawang Uri Ng Sanaysay

Alamin ang dalawang uri ng sanaysay at halimbawa nito.

DALAWANG URI NG SANAYSAY – Mayroong dalawang uri ang sanaysay, ang pormal at di pormal. Ito ang halimbawa at katangian nito.

Ang sanaysay ay essay sa Ingles at ito ay isng komposisyon gawa ng kuro-kuro, pagpuna, opinyon, obserbasyon, at impormasyon ng isang manunulat. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng may-akda ang kanyang damdamin, saloobin, at opinyon tungkol sa isang paksa o isyu na napapanahon at makabuluhan. At sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay, nakikipag-kumunikasyon ang may-akda sa kanyang mga mambabasa.

Dalawang Uri Ng Sanaysay

Ito ang dalawang uri nito:

  • PORMAL NA SANAYSAY
    Ito ang komposisyon kung saan ang mga seryosong paksa at mga isyu na kailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa ay tinatalakay. Ang mga kaisipan ay nakalatag ng may pagkakasunod-sunod para mas maintindihan ng isang mambabasa ang layuning ng iyong sanaysay at ang mensahe na nais mong ipabatid.

Halimbawa ng pormal na sanaysay:

Heroismo Ni Rizal at ang Kabayanihan ni Bonifacio

Sa pahayag ni Zeus Salazar, kanyang ikinompara ang kaibahan ng kahulugan sa pagitan ng isang “bayani” at isang “hero”. Gayunpaman, sa aking opinyon, ang dalawang terminolohiya’y malawak ang sakop at hindi magkalayo ang pagkakaiba. Inilarawan ni Salazar na ang isang “bayani” ay matapang at iniisip ang kapakanan ng kapwa at ng bayan bago ang sarili. Samantala, kanya namang inihalintulad ang “heroes” sa konsepto ng mga mayayaman sa kanlurang bahagi ng mundo. Ngunit, ako’y mariing hindi sumasang-ayon sa kanyang paglalathalang ito.

Ang ideyolohiya sa likod ng kanyang pagkakahulugan ng isang “bayani” at isang “hero” ay maituturing na “gatekeeping” sa wikang ingles. At saka, ito’y nagreresulta ng dibisyon sa pagitan ng mga sector sa lipunan sa loob ng rebolusyong Pilipino. Kanyang itinanyag na ang mga “maka-baya, maka-sama, maka-hirap, o kasama ng mahirap” tulad nila Andres Bonifacio at Macario Sakay, at mga ordinaryong katipunero bilang mga “tunay” na bayani. Samantala, ang mga ilustrado, o ang mga napabilang sa marangyang kupunan, ay ginampanan ni Salazar na mga kanluraning konsepto ng bayani o “hero”.

  • DI PORMAL NA SANAYSAY
    Ito ang mga komposisyon na ang paksang mga tinatalakay ay karaniwan, personal, at nakakapag-bigay aliw sa mga mambabasa. Ang may-akda ay parang kinakausap lamang ang mambabasa dahil mas nangingibabaw ang personalidad nito sa kanyang sulatin.

Halimbawa ng di-pormal na sanaysay:

Kapangyarihan ng Pag-ibig
sulat ni Anthony Rosales Sarino

Wala nga daw perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan, oo nga at mayroon tayong patutunguhan at mayroon ding dahilan ang lahat ngunit wala man ni isa sa ain ang nakakaalam ng kahihinatnan.

Pag-ibig ako ay naniniwala na ito ang dahilan ng lahat ngbagay, ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Isang pagmamahal na makukuha sa iisang tao na inilaan ng Diyos sa atin at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.

Saan ka man makarating ang pag-ibig ay makikita at iyong madarama. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan nga ay sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay makapangyarihan kung titingnan natin ito sa mas malawak at mas malalim sa kung ano ang dapat ipakahulugan nito. At lahat tayo ay mag aasam na sana ay isang araw ay dumating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment