Ano ang halimbawa at kahulugan ng mga matalinghagang salita tungkol sa pagmamahal. Ito ang sagot!
MATALINGHAGANG SALITA TUNGKOL SA PAGMAMAHAL – Ilan sa mga halimbawa at kahulugan ng mga matatalinhagang salita.
Ang mga matatalinhagang salita ay mga salitang malalalim na may simpleng kahulugan. Ito ay bahagi ng panitikan at ang panitikan ng bansa ay hitik at mayaman sa maraming klase. At isa lamang ang mga matatalinhagang salita sa mga ito.
Ang mga matalinhagang mga salita na ito ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simili at iba pang uri ng mga mabubulaklak at nakakalitong mga salita. Paraan din ito ng mga manunulat upang maghikayat ng mga mambabasa dahil sa sining na ipinapakita ng mga salita na ito.
Ito ang ilan sa mga halimbawa na tungkol sa pagmamahal:
- Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit
- Matimtimang Cruz – mahinhin at pino kung kumilos
- Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda
- Kambal tuko – di makapaghiwalay
- Makipaglaro ng apoy/ Naglalaro ng apoy – pagtataksil sa asawa o karelasyon
- Kabiyak ng puso – sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan
- Pag-iisang Dibdib – kasal
- Naniningalang Pugad – nanliligaw o nanunuyo
- Namamangka sa dalawang ilog – pagtataksil sa minamahal o pagsasabay ng dalawang karelasyon
- Lumagay sa tahimik – pagpapakasal o pag-aasawa
- Panakip-butas – ipinagpalit lamang o ginawang kahalili ng isang taong nawala
- Pinagbiyak na bunga – dalawang tao na lubhang magkamukha o magkatulad ng gawi o pag-uugali
- Kaututang-dila – ang tawag sa tao na madalas kasama, kausap, o sa madaling sabi ay isang kaibigan
- Bukas-palad – laging handang tumulong
- Sanggang-dikit – dalawang tao na matalik na magkaibigan
Ang mga salitang ito ay nakakatulong para mas mahubog pa natin ang ang ating intelektuwal na kaisipan at mas palalimin pa ang ating pang-unawa. Hinihikayat rin nito na pagyabungin at mas palaganapin ang wikang sariling atin. Madalas, ang mga salita na ito ay nag-iiwan ng tatak sa atin at mas pinalalawak ang ating kaalaman.
BASAHIN:
- Pandaigdigang Kalakalan – Layunin At Epekto Ng Pandaigdigang Kalakalan
- Ibat-ibang Uri ng Sasakyang Pandagat
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.