Narito ang ilan sa mga benepisyong makukuha sa Lanzones
LANZONES – Ito ay isang matamis na prutas na naglalaman ng maraming sustansya, bitamina, at mineral, na maganda para sa kalusugan ng ating katawan.
Ang Lanzones ay kilala rin bilang Langsat sa wikang Ingles. Ito ay nagmula sa pamilya ng halamang mahogany. Ang halamang ito ay kadalasang matatagpuan sa mga bansang may klimang tropikal kabilang na ang Pilipinas. Ang halamang ito lumalaki hanggang 30 metro at namumunga ng isang dilaw na matamis na prutas na animo’y maliit na patatas.
Karamihan sa mga Pilipino ay gustong kumain ng kakaibang prutas na ito dahil sa matamis, maasim, at masarap na lasa nito. Bukod sa pagiging masarap ay naglalaman din ito ng mataas na nutritional value.
Naglalaman ito ng bitamina A, B, C, thiamine, niacin, fiber, riboflavin, pantothenic acid, ascorbic acid, at iba pang mga kapaki-pakinabang na sustansya. Ito rin ay naglalaman ng mga mineral tulad ng iron, manganese, zinc, potassium, phosphorus, magnesium, copper, at calcium.
Mayroon din itong antibacterial, antiviral, antimicrobial, at anti-inflammatory properties. Naglalaman din ito ng malaking halaga ng antioxidant na makakatulong sa katawan na labanan ang mga free radicals na maaaring magdulot ng maraming uri ng sakit.
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng lanzones:
- Mabisang panlaban kontra diarrhea
- Pinapalakas ang immune system
- Mabisang panlaban sa lagnat
- Mabisang gamot kontra dysentery at malaria
- Lunas sa ulcer
- Nagpapabuti ng metabolismo
- Maaaring gamot kontra kagat ng alakdan
- Kinokontrol ang antas ng asukal sa dugo
- Maigi para sa pamamaga ng sugat
- Mabisa kontra bloating
- Binabawasan ang antas ng cholesterol
- Nakakatulong sa pagbaba ng timbang
BASAHIN:
Sa tingin mo ba ay nagbigay-kaalaman ang artikulong ito? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento.
Para sa karagdang kaalaman, wag kalimutang i-follow ang PhilNews.ph sa Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.