Pandaigdigang Kalakalan – Layunin At Epekto Ng Pandaigdigang Kalakalan

Ano ang layunin at epekto ng pagbubukas ng pandaigdigang kalakalan? Ito ang sagot!

PANDAIGDIGANG KALAKALAN – Ito ang mga naging epekto at naging layunin ng magbukas ang pandaigdigang na dapat mong malaman.

Ang proseso ng kalakalan ay ang pagpapalit ng mga produkto at serbisyo ng dalawang panig. Ito ang nagbigay daan upang mapalawak ang ugnayan ng mga bansa na may iba’t ibang layunin. Noong 1834 naging bukas ang Pilipinas sa larangang ito na ipinag-utos ng Hari ng Espanya. Itong taon din nagbukas ang daungan ng Maynila para dito. Nangunguna noon ang mga Briton, Pranses, at Amerikano sa kalakalan.

Pandaigdigang Kalakalan

Sumunod na binuksan ang mga daungan ng Cebu noong 1860, Zamboanga noong 1855, at Pangasinan 1855, at Tacloban at Legazpi noong 1873. Ang pagsali sa pandaigdigang kalakalan ang siyang nagdulot ng pag-unlad sa bansa. Pina-unlad nito ang sistema ng transportasyon at komunikasyon. Maraming mga bangko ang naitatag at maraming mga mamamayan ng Pilipinas anf umunlad ang buhay.

Mayroon itong apat (4) na layunin:

  • Pampulitika
  • Pangkultura
  • Pangkapayapaan
  • Pang-ekonomiya

Dalawang uri ng kalakalan:

  1. Kalakalang Panloob – ito ay nagaganap dahil hangarin ng mga tao na magkaroon ng mga produkto na gawa ng ibang rehiyon. Ang pagpapalitan na ito ay nangyayari sa pagitan ng mga lalawigan ng isang bansa.
  2. Kalakalang Panlabas – ito ang pagpapalitan ng produkto at serbisyo ng dalawang bansa.

Epekto ng pagbukas ng mga daungan para sa kalakalan sa daigdig:

  • Pag-unlad ng turismo dahil sa pagpunta ng mga tao galing ibanf bansa o mga dayuhan.
  • Ang mga kalakal ng mga negosyante ay madaling nakakapaglabas-masok ng bansa.
  • May mga ilang produkto tayong naging tanyag tulad ng abaka, tabako, at tubo.
  • Naging malawak ang pamilihan kung kaya’t mas marami ang mga produkto na mapagpipilian.
  • Pagpasok ng liberal na kaisipan.
  • Pag-usbong ng nasyonalismo.
  • Pagyaman ng ekonomiya.

Basahin:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment