Ano ang sanhi at bunga at ang mga halimbawa nito.
SANHI AT BUNGA HALIMBAWA – Ito ang mga iba’t ibang halimbawa ng sanhi at bunga sa panngungusap at ang kahulugan nito.
Ang mga pangyayari ay mayroong sanhi at bunga. Ang sanhi ang kaganapan na maaring mabuti o masama at ang bunga ay ang kahihitnan o dulot ng pangyayari. Sa isang malayang kwento o pangungusap, may mga sitwasyong na maaring mauna ang bunga sa sanhi.
Ito ang mga salita na nag-uugnay ng sanhi at bunga:
- dahil
- kung kaya
- kasi
- sapagkat
- kung
- kapag
Mga halimbawang pangungusap na may sanhi at bunga:
- Isang araw akong hindi naligo kaya hindi kaaya-aya ang amoy ko ngayon.
Sanhi: Isang araw akong hindi naligo
Bunga: kaya hindi kaaya-aya ang amoy ko ngayon - Dahil sa aking kapabayaan, nawala ko ang babaeng aking pinakamamahal.
Sanhi: nawala ko ang babaeng aking pinakamamahal
Bunga: Dahil sa aking kapabayaan - Hindi na magkakasya ang mga damit mo sa iyo dahil marami kang kumain.
Sanhi: dahil marami kang kumain
Bunga: Hindi na magkakasya ang mga damit mo sa iyo - Kung hindi lang sana madalas lumiban sa trabaho si Ben, may trabaho pa sana siya ngayon.
Sanhi: Kung hindi lang sana madalas lumiban sa trabaho si Ben
Bunga: may trabaho pa sana siya ngayon - Malamang sa malamang ay magkakasakit ka bukas dahil nabasa ka ng ulan ngayon.
Sanhi: dahil nabasa ka ng ulan ngayon
Bunga: Malamang sa malamang ay magkakasakit ka bukas - Hindi masyadong nagkakasakit si Clara dahil masustansiya ang kanyang mga kinakain.
Sanhi: Hindi masyadong nagkakasakit si Clara
Bunga: dahil masustansiya ang kanyang mga kinakain - Kung hindi lang sana ako torpe, girlfriend ko na sana siya ngayon.
Sanhi: Kung hindi lang sana ako torpe
Bunga: girlfriend ko na sana siya ngayon - Mainitin ang ulo ng kanyang ama kung kaya’y natatakot siyang magpaalam na umalis.
Sanhi: Mainitin ang ulo ng kanyang ama
Bunga: kung kaya’y natatakot siyang magpaalam na umalis
READ ALSO:
- Balat Sibuyas Kahulugan At Gamitin Sa Pangungusap (Sagot)
- Pang-abay Na Pamaraan Halimbawa, Ano ang Pang-abay na Pamaraan
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.