SAAN MATATAGPUAN ANG PILIPINAS SA ASYA AT DAIGDIG? Ito Ang Kasagutan!

Ang kasagutan kung saan matatagpuan ang Pilipinas. Alamin!

SAAN MATATAGPUAN ANG PILIPINAS – Ito ang kasasagutan sa tanong na kung saan matatagpuan ang Pilipinas sa mundo.

Ang Pilipinas o ang Republika Ng Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati sa tatlong malalaking isla nito: ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong arkipelago ng Pilipinas ay binubuo ng 7,641 pulo. Ang unang mapa ng Pilipinas ay ginawa at iginuhit ni Padre Pedro Murillo Velarde noong taong1734. Isa siyang Heswitang pari at mananalaysay. Ang Heswitang mang-uukit sa isang palimbagan na si Nicolas de la Cruz ang kanyang naging katulong sa paggawa nito.

Saan Matatagpuan Ang Pilipinas

Ang mapa ang naging matibay na batayan para matiyak ang wastong posisyong at kinaroroonan ng mga pook, bayan, o bansa.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya o nasa Hilaga ng ekwador ng mundo. Napapaloob ito sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko o ang Pacific Ring Of Fire at nasa Kanluran na bahagi ito ng Karagatang Pasipiko. At dahil malapit ito sa ekwador, madalas matamaan ng malalakas na bagyo ang bansa.

Ang ilan sa mga bansa na nasa Timog Silangang Asya rin tulad ng Pilipinas ay Brunei, Cambodia, East Timor, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam. Ang tiyak ng lokasyong ng Pilipinas ay 12.8797° hilaga, at longitude na 121.7740° silangan.

Ito naman ang relatibong lokasyon ng Pilipinas:

  • Bashi Channel at Taiwan sa Hilaga
  • Celebes Sea at Indonesia sa Timog
  • Pacific Ocean sa Silangan
  • West Philippine Sea (South China Sea) sa Kanluran]

Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado). Ang bansa ang isa sa mga bansang may pinakamalaking populasyong or bilang ng tao.

Sa isang banda sa kasalukuyan, bukod sa COVID-19 pandemic, ilan sa mga isyu at problema na kinakaharap ngayon ng bansa ay ang katiwalian sa gobyerno, pagkasira ng kapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay, labis na bilang ng tao, at ang EJK or extra-judicial killings.

READ ALSO:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment