Kasagutan: Balat sibuyas kahulugan at mga halimbawang pangungusap.
BALAT SIBUYAS KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng balat sibuyas at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang mga pahayag na naghahayag ng di-tuwirang kahulugan. Kung iintindihin ang bawat payak na salita na bumubuo sa isang idyoma, hindi mo lubos na maiintindihan ito. Kadalasan, malalaman mo ang ibig sabihin ng isang idyoma kapag may alam ka sa kultura ng nagsasalita nito. Ang mga di-tuwirang pagpapahayag na mga ito ay nagpapakahulugan at nagpapakita ng kaisipan o kaugalian.
Isang halimbawa ay ang “butas ang bulsa”. Kung literal na pagbabasehan ang ibig sabihin ng dalawang salitang ito, hindi mo maiisip na ang totoong pagpapakahulugan nito ay “walang pera”.
At isa sa mga pinakasikat na idyoma ay “balat sibuyas“. Ano ang ibig sabihin nito? Paano ito magagamit sa isang pangungusap?
Ang kahulugan ng balat sibuyas ay madamdamin, madaling masaktan, o sensitibo. Inilalarawan nito ang damdamin ng isang tao na mabilis masaktan, pagiging maramdamin, o madaling mainis kahit sa mga pinakamaliit na bagay.
Sa literal na usapin, ang sibuyas ay isang sangkap sa lutuin at isa sa mga katangian nito ay manipis na balat at may mga nilalaman ito na nakakapagpa-iyak ng taong bumabalat at humihiwa nito. Ang sibuyas ay kadalasang ginagamit bilang pang-gisa o pang tanggal ng hindi magandang amoy ng pagkain.
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Si Jay ay balat-sibuyas kaya hindi siya inaasar ng kanyang mga kaibigan.
- Masyado kang balat-sibuyas Marites! Harapin mo ang mga problema mo!
- Habang nagkakasaiyahan ang iba, si Kara ay namamalat-sibuyas sa sulok dahil sa panunukso ng mga tao sa kanya.
- Ang taong balat-sibuyas ay mabilis paiyakin.
- Halos karamihan sa mga kababaihan ay balat-sibuyas.
READ ALSO:
- IDYOMA – Kahulugan ng “Idyoma” & Mga Halimbawa Nito
- Mga Matalinghagang Salita At Ang Ibig Sabihin Nila
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.