Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kaugnayan Ng Larawan Sa Globalisasyon?”
GLOBALISASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kaugnayan ng larawan na nasa ibaba sa globalisasyon.
Pagdating ng pandemyang COVID-19, lubusang naapektuhan ang buong mundo. Dahil dito, milyun-milyong katao ang namatay at mas marami pa ang nahawaan ng sakit na ito.
Bukod dito, naapektuhan rin ng lubusan ang ekonomiya, hindi lamang ng isang bansa, kundi ang kabuuang ekonomiya ng mundo. Sa panahon na pumasok ang COVID-19, nasira agad ang ilan sa mga mahahalagang sektor ng mga bansa.
Isa na dito ang sektor ng industriya, turismo, at transportasyon. Dahil dtio, naapektuhan din ang globalisasyon na nangangailangan ng mga sector na ito.
Ang ibig sabihin ng larawan ay simple lamang “nasira ang ang ekonomiya ng mundo dahil sa COVID-19“. Dahil bago ang sakit na ito, gumawa ng mga lockdown ang mga bansa para mabawasan ang mga posibleng mahawaan ng sakit.
Ngunit, nagdulot din ito ng pagsara ng mga negosyo at naapektuhan ang mga trabahador. Kaya naman, madami ang mga nawalan ng trabaho at hindi na napakain ang pamilya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bintana Orihinal Na Anyo Ng Baybay – Kahulugan At Halimbawa