Naniniwala Sa Teoryang Core Population? (Sagot)
TEORYANG CORE POPULATION – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung naniniwala nga ba tayo sa teoryang core population at ang mga halimbawa nito.
Ang teoryang core population ay nagsasabi na ang mga naninirahan sa Timog Silangang Asya ay nanggaling sa isang lipi. At, dahil sa mga proseso ng salik pangkalikasan, ang mga ito ay nagkaroon ng mga pagkakaiba.
![Naniniwala Sa Teoryang Core Population? – Kahulugan At Halimbawa](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2021/12/image-118.png)
Ang mananaliksik na naniniwala sa teoryang ito ay si F. Landa Jocano. Siya ay isa sa pangunahing iskolar na nagbigay ng alternatibong pananaw sa teoryang “Wave Migration” ni H. Otley Beyer.
Dito, tinalakay ni Otley Beyer na ang mga taong nanirahan sa Pilipinas ay nanggaling sa iba’t-ibang lugar gamit ang tulay na lupa. Hinati ni Otley Beyer ang mga dumating sa Pilipinas sa mga grupo na:
- Primitive Man
- Negritos
- Indonesian A
- Indonesian B
- Mga taong mula sa Central Asya
- Malays
Samantala, ayon sa Core Population Theory, ang mga sinaunang tao sa Timog-silangang Asya ay nagmula sa iisang pangkat etniko na may magkaparehong kasaysayan at kultura. Ang kulturang ito, gayunpaman, ay nagbago bilang resulta ng maraming mga pangyayari tulad ng panahon, kapaligiran, at mga hindi inaasahang pangyayari.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagsakop Ng Italy Sa Ethiopia – Mga Kaganapan At Iba Pang Kaalaman