Heto Ang Halimbawa Sa Kung Ano Ang Mahusay Na Pamamahala
MAHUSAY NA PAMAMAHALA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kilos na ating makikita sa mahusay na pamamahala at ang mga halimbawa nito.
Mahalaga para sa ano mang lipunan ang pagkakaroon ng mga namamahala. Pero, ano nga ba ang tamang kilos para sa magaling na paraang nga pamamahala.
Kahit sinong tao ay posibleng ilagay sa posisyong namamahala. Ito’y dahil sa demokrasyang ibinigay sa atin na kasama sa ating kalayaan. Ang mismong mga mamayan ng isang lugar ay siyang pumipili kung sino ang ilalagay sa puwesto.
Kaya naman ating masasabi na ang kahusayan ng pamamahala ay dapat mula sa mamamayan para sa mamamayan. Sa Ingles ito ay “For the People By The People.
Ang ibig sabihin nito, ang mga batas, sistema, at iba pang mga aspeto ng papamahala ay dapat nakatugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Dapat tunay na serbisyo sa publiko ang binibigay ng taong uupo sa isang posisyon ng pamamahala. Sa ganitong paraan, magiging mahusay ang resulta ng kanyang liderato dahil para mismo sa tao ang mga desisyon na kanyang ginagawa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Slogan Tungkol Sa Magsasaka – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman