Slogan Tungkol Sa Magsasaka – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Slogan Tungkol Sa Magsasaka

SLOGAN PARA SA MAGSASAKA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang halimbawa ng slogan tungkol sa magsasaka.

Ang mga magsasaka ay isa sa pinakamahalagang pondasyon ng ating lipunan. Dahil sa mga magsasaka, tayo ay nabibigyan ng pagkain at iba pang mga produkto.

Slogan Tungkol Sa Magsasaka – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

SIla’y nagtatrabaho para sa kanilang mga pamilya kahit mahirap ito. Kaya naman may kantang “Magtanim ay di biro”. Ito’y ginawa para ipakita ang sakripisyo ng mga magsasaka para sa kanilang pamilya at bayan.

Ngunit, marami sa ating mga magsasaka ay mahihirap dahil sa korapsyong nagaganap. Hindi sila kaagad nabibigyan ng tulong na kailangan nila. Samantala, ang ilang mga politiko ay nakikinabang dito ng lubusan.

Heto naman ang mga halimbawa ng slogan para sa magsasaka:

Wala tayong makikitang hinaharap kung ang magsasakang nagpapakain sa atin ay naghihirap!

Bawat butil ng pagkain na isinusubo ninyo, dugo’t pawis ng mga magulang ko.

Maunlad na hinaharap ay ating malalasap sa tulong ng magsasaka at kanilang pagsisikap.

Magsasaka.. kami ay saludo bunga ng inyong sakripisyo para sa pagkain ng bawat Pilipino.

Ang magtanim ay di biro, Kaya dapat tulungan ang magsasaka ng mga nakaupo.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bakit Sa Great Britain Nagsimula Ang Rebulusyong Industriyal

Leave a Comment