Panahon Na May Pinakamahabang Yugto Sa Kasaysayan

Ano Ang Panahon Na May Pinakamahabang Yugto Sa Kasaysayan? (Sagot)

PANAHON NA MAY PINAKAMAHABANG YUGTO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang panahon na may pinakamahabang yugto at mga halimbawa nito.

ANO ANG YUGTO? – Ang yugto ay isang kabanata o parte ng isang bagay. Isang halimbawa nito ay ang yugto ng isang libro o mga kabanata. Pero, sa artikulong ito, ang yugto na ating tatalakayin ay tungkol sa kasaysayan.

Panahon Na May Pinakamahabang Yugto Sa Kasaysayan

Ang panahong may pinakamahabang yugto ay ang panahon ng paleolitiko.

PANAHON NG LUMANG BATO – Ang panahong paleolitiko ay ating ding tinatawag bilang panahon ng lumang bato. Dito naganap ang pinakamaaga at pinakamahabang panahon sa kaunlaran nga mga tao.

SAAN GALING ANG PANAHON NG PALEOLITIKO

Galing sa salitang Griyego na “Paleos” at “Lithos” ang paleolitiko. Ang ibig sabihin ng Paleos at “matanda”, samantala, “bato” naman ang lithos.

Ang Pleistocene naman ay isang bahagi ng panahon ng paleolitiko at ating tinatawag na pinakamatagal na yugto para sa kaunlaran ng sangkatauhan.

Sa panahong ito ating nakikita ang unang mga taong namumuhay ang sa mga yungib at nagpapagala-gala. Bukod dito, ang mga tao ito ay lumabas papunta sa mga malayong lugar upang makahanap ng kanilang pagkain.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Paksang Pangungusap? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment