Dulang Pantanghalan Halimbawa At Kahulugan Nito

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Dulang Pantanghalan At Kahulugan Nito

DULANG PANTANGHALAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung nga ba ang kahulugan ng dulang pantanghalan at ang mga halimbawa nito.

Ating tandaan na sa kasaysayan ng dulang Pilipino isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga kolonyalista. Ayon sa kay Casanova, ang ating mga katutubo ay likas na mahilig sa awitin, sayaw, at tula.

Dulang Pantanghalan Halimbawa At Kahulugan Nito

Sa Pilpinas, may iba’t-ibang uri tayo ng dulang pantanghalan. Sila ay ang mga sumusunod:

  • Moro-moro
  • Duplo
  • Sarswela

Bukod dito, mayroon ding mga uri ng dula o ang kanilang mga “genre” na dapat nating bigyan pansin.

  • Komedya
  • Trahedya
  • Melodrama

Ang tawag din sa dulang pantanghalan ay isang kawili-wiling dula. Ito ay nahahati sa tatlong yugto na maraming tagpo.

  1. Iisahing Yugtong dula-dulaan
  2. Tatluhing Yugtong dula-dulaan
  3. Dadalawahing yugtong dula.

ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN

Ang lahat ng dula ay mayroong “Sangkap” na sinusunod. Ito ang simula, gitna, at wakas. Heto naman ang mga halimbawa ng dulang pantanghal:

PASKO – Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”
Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”
Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”
Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”
Anak 4: “Ako rin po.”
Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.” Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”
Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”
Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”
Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”
Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”
Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”
Anak 2: “Dalawa po.”
Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”
Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!” Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”
Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin)
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”
Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”
Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”
Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”
Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”
Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos kumain – Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”
Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa lahat.” Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.”
Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ihambing Ang Nobela Sa Iba Pang Akdang Pampanitikan

Leave a Comment