Tulang May Sukat At Tugma: +5 Halimbawa At Kahulugan Nito

Heto Ang +5 Halimbawa Ng Tulang May Kasamang Sukat At Tugma

TULANG MAY SUKAT – Kasama sa mga elemento ng isang tula ay ang sukat at tugma na nagsisilbing pondasyon ng likhang sining na ito.

Ating tandaan na ang isang tula ay posibleng magkaroon ng pormat o espesipikong estilo ng pagsusulat o kaya’y malayang pagsusulat. Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng tula na mayroong tiyak na haba at sukat.

Tulang May Sukat At Tugma: +5 Halimbawa At Kahulugan Nito

Ibig sabihin, ang mga halimbawa ng tulang may sukat at tugma na nasa baba ay may espesipikong bilang ng pantig sa bawat latudtod at saknong. Heto ang mga halimbawa:

SA HULING SILAHIS
Sulat ni Avon Adarna (12 pantig, 4 na linya sa bawat saknong)

Inaabangan ko doon sa Kanluran
Ang huling silahis ng katag-arawan
Iginuguhit ko ang iyong pangalan
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Aking dinarama sa hanging habagat
Mga alaala ng halik mo’t yakap
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo
Ang iyong larawan at mga pagsuyo
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!

Sa pag-aagawan ng araw at buwan
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

Ang iyong pag-iral, hindi na babalik
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.

AKING DASAL
(7 pantig, 1 linya sa bawat saknong)

Ang aking minamahal
Sa puso ko’y ikaw lang
Ang tanging sinisigaw
Ikaw ay aking dasal.

ANG KALIKASAN
(11 pantig, 1 linya sa bawat saknong)

Ang kalikasan ay dapat ingatan
Kung ating gusto ay magandang bayan
Ang kalikasan ay dapat tulungan
Kung hindi, tayo’y maaapektuhan

ANG HIGANTENG TREN
Pinoy Edition (8 pantig, 6 linya sa bawat saknong)

Tila ahas na nagmula
sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik
pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo’t
mga bukas na bintana!

Ang riles na lalakatay
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga
at maingay na maingay
sa Tutuban magmumula’t
patutungo sa Dagupan!

O kung gabi’t masalubong
ang mata ay nag-aapoy
ang silbato sa malayo’y
dinig mo pang sumisipol

Ang Mabuting Alipin
(8 pantig, 4 linya sa bawat saknong)

Alila man, o alipin,
Siya ay isang tao pa rin;
Hindi to’ dapat dustain,
Kundi dapat ay mahalin.

Sa maghapo’y gumagawa,
Hindi maghihintay-awa,
O malaking pagpapala
Kung hindi ng pag-unawa.

Alila man, o alipin,
Siya ay napapagod na rin;
Sa marami niyang gawain
Kaya nga’t tulungan natin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pinagmulan Ng Komunidad – Sagot Sa “Saan Nagmula Ang Komunidad?”

Leave a Comment