Maikling Tula: Mga Halimbawa Ng Maikling Tula (Short Poems)

Halimbawa Ng Mga Maikling Tula

MAIKLING TULA – Ang mga tulang ito ay tinatawag na “tanaga“. Ito ay mga maiikling tula na may “7-7-7-7 syllabic verse”.

Maikling Tula: Mga Halimbawa Ng Maikling Tula (Short Poems)

Mga halimbawa:

Ang aking minamahal
Sa puso ko’y ikaw lang
Ang tanging sinisigaw
Ikaw ay aking dasal.

Ang tulang iyon ay may tinatawag na ABCA na “rhyme scheme”. Sa tradisyonal na tanaga, ang ryhme scheme ay AAAA kung saan ang huling pantig ng mga talata ay magkakatugma.

Halimbawa:

Mabilis ang pagtakbo
Nang batang nasa kanto
Mukha siyang desperado
Na pumunta sa banyo

Ang mga maikling tula na tinatawag na tanaga ay katulad lamang ng “haiku” ng mga banyaga. Noong unang panahon, ang mga hapon ay umimbento ng ganito at ginagawa pa ngayon.

Mayroon ding mga tulang maikli na hindi sumusunod sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsusulat. Ito ay tinatawag na “modern” or modernong tanaga. Ito ang mga halimbawa:

Katitibay ka Tulos
Sakaling datnang agos!
Ako’y mumunting lumot
sa iyo’y pupulupot.

Ang buhay natin ay magulo minsan
Ngunit tibay at tiyaga lang ang kailangan
Wag tayong mag padala sa problema
Dahil sa ating buhay, yan lagi ay kasama

Ang kalikasan ay dapat ingatan
Kung gusto nating maging maganda ang bayan
Ang kalikasan ay dapat tulungan
Kung hindi, tayo ang maaapektuhan

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: HALIMBAWA NG TANAGA – Mga Maikling Tulang Pinoy

Leave a Comment