Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Paksa?” [+10 Na Mga Halimbawa]
PAKSA – Ang isang paksa ay tumutukoy sa diwa o ideya na binigiyang pokus o atensyon ng may akda, pero, ano nga ba ang mga halimbawa nito?
Maraming paksa ang posibleng gamitin ng may-akda, pero, dahil sa sobrang dami ng mga paksang mapag-pipilian, mas madali kung ang paksang ito ay mayroong tema.
Dahil sa paksa, ang mga mambabasa ay nabibigyan ng ideya o kaya’y namumulat sa mga posibleng maging epekto ng mga desisyon ng mga karakter. Ibig sabihin, ang paksa sa pangungusap, ay ang bagay na pinag-uusapan.
Heto ang 5 halimbawa ng paksa na ginagamit ng mga akda:
- El Filibusterismo
- Paghihiganti
- Pagkamulat sa mga pang-aapi ng Kastila
- Pagtatag ng rebolusyon
- Noli Me Tangere
- Katiwalian ng pamahalaan
- Paghihimagsik laban sa Kastila
- Pag-ibig
- Ang Ama
- Pagsisisi
- Masamang epekto ng bisyo
- Florante at Laura
- Pag-ibig
- Pakikibaka
- Romeo at Juliet
- Pag-ibig
- Kasawian
Heto naman ang 5 halimbawa ng paksa sa mga pangungusap
- Si Peter ay ang pangulo ng aming silid-aralan. (pangalan)
- Siya ay naka pasok sa magandang kolehiyo. (panghalip)
- Ang isang mabuting ama ay minamahal ng pamilya. (pang-uri)
- Ang mga nagsisikap ay binibigyan ng magandang oportunidad. (pandiwa)
- Kinalulugdan ang totoong marespeto sa mga nakakatanda. (pang-abay)
PALATANDAAN SA PAGGAMIT NG PAKSA:
Ating tandaan na ang mga paksa o tema ng isang kwento ay siyang nagmumulat sa mga mambabasa. Bukod dito, mas nagiging epektibo ang isang paksa kapag ito ay sumasalamin sa totoong mga pangyayari.
Kung ang tinutukoy natin ay ang mga paksa sa pangungusap, maaari itong maging pangalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, o pang-abay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pangako Ng Ama Sa Kwentong Ang Ama – Kahulugan At Iba Pa
Paksa
Ano ang paksa ng Hindi pa dapat maranasan?