Ano Ang Nangangatal? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Nangangatal?”

NANGANGATAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang nangangatal at ang mga halimbawa nito.

Maraming mga salitang Tagalog na hindi na natin nagagamit dahil sa pagbabago ng kultura, teknolohiya at iba pang mga kadahilanan. Ngunit, dahil parte pa rin ito ng ating kultura, dapat natin itong bigyang halaga.

Ano Ang Nangangatal? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Isa sa mga halimbawa nito ay ang salitang nangangatal. Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Ang nangangatal ay tumutukoy sa salitang kilos kung saan ang isang tao ay nakakaramdam o nakakaranas ng isang kilos na hindi niya mismo kontrolado. Ito rin ay tinatawag na panginginig.

Bukod dito, maaari ring gamitin ang salitang nangangatog dahil ito ay isang kasing kahulugan din ng nangangatal. Heto ang mga halimbawa ng paggamit ng salitang ito sa mga pangungusap.

  • Si Peter ay nangangatal matapos siyang marinig ang kinatatakutan niyang boses habang malapit na siyang matulog.
  • Nangangatal ang mga tuhod ni Hector dahil sa sobrang lamig ng tubig sa sapa na kung saan sila naliligo.
  • Nangangatal ang buong katawan ko tuwing gabi dahil malamig ang aircon at nakalimutan ko ang aking makapal na kumot.
  • Sa sobrang takot, nangangatal ang tuhod ng mga babae ng makarinig sila ng sigabong malapit sa kanilang bahay.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Ordinansa? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment