Ano Ang Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon? (Sagot)
IMPORMAL NA KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon at ang mga halimbawa nito.
Kapag komunikasyon ang ating pinag-uusapan, mayroong dalawang pangunahing uri ito, ang pormal at impormal. Kadalasan, kapag tayo’y kumakausap sa ating mga kaibigan, iyon ay halimbawa ng impormal na komunikasyon.
Samantala, kapag tayo ay nasa trabaho, o nag-aaplay para maka pasok sa trabaho, pormal na komunikasyon ang ating ginagamit. Hindi lamang ito nakikita sa salita, kundi pati na rin sa ating mga sulat, text, email, at iba pa.
Heto ang mga uri ng salitang ginagamit sa komunikasyong impormal:
- Lalawiganin (provincialism) – mga salitang nagmula o karaniwang ginagamit sa isang partikular na lugar o pook gaya ng balay (bahay), dako (malaki), kabsat (kapatid)
- Balbal (slang) – mga salitang kanto o kalye na nabuo sa impormal na paraan tulad ng tomguts, erpats, ermats
- Kolokyal – mga salitang hango sa pormal na komunikasyon na ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay at maaaring maging magaspang o bulgar gaya ng musta, penge, pede, san, pano, lika
- Banyaga – mga salitang nagmula sa ibang wika at karaniwang ginagamit sa mga salitang teknikal, pang-agham, o terminolohiya
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kabaliktaran Ng Pasasalamat – Kahulugan At Halimbawa