Ano Ang Mga Pagkakaiba Ng Anekdota At Sanaysay? (Sagot)
ANEKDOTA AT SANAYSAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng anekdota at sanaysay at mga halimbawa nito.
Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang isang anekdota. Base sa magkalipas nating paksa, ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang pangyayari o insidente.
Samantala, ang sanaysay naman ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Pero, ano nga ba ang pinagkaiba nilang dalawa?
Ating dapat malaman na ang anekdota ay naglalaman ng pangyayari na posibleng kunan ng mga mahahalagang aral, maiksi at nasa punto ang bawat salitang binibitawan. Pero, ang sanaysay naman ay naglalaman ng kahit anong naisin ng manunulat kasama ang kaniyang sariling opinyon at argumento. Nakadepende sa manunulat ang haba ng nais niyang isulat na sanaysay.
Ang sanaysay at anekdota ay parehong nagbibigay ng aral. Dahil dito, mahalagang pag-aralan natin ang mga ito.
Para sa mga halimbawa ng anekdota, i-click lamang ang link na ito: Anekdota: Mga Halimbawa Ng Anekdota (Anecdote).
Sa mga halimbawa naman ng Sanaysay, tignan lamang ang SANAYSAY – Kahulugan, Mga Uri At Mga Bahagi Nito
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Uri Ng Diskriminasyon – Halimbawa At Kahulugan Nito