Sagot Sa Tanong Na “Paano Gumawa Ng Venn Diagram?”
VENN DIAGRAM – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba tayo gumawa ng isang venn diagram at ang mga halimbawa nito.
Ang Venn diagram ay ating ginagamit upang malaman ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa o higit pang mga bagay. Kadalasang gingamit sa mga Venn Diagram ay mga malalaking bilog.
Sa labas ng mga bilog nakalagay kung anong uri ng bagay ang ating ikukumpara sa isa’t-isa. Samantala atin naman ilalagay ang mga katangian ng mga bagay na ito sa loob. Heto ang isang halimbawa:
Sa Venn Diagram na ito, ating makikita na si Peter at si Hector ang ating ikukumpara. SI Peter ay Matangkad at si Hektor ay pandak. Pagkatapos, Si Peter ay mahilig sumayaw at si Hektor ay mahilig kumanta. Bukod dito, may pusa si Peter habang may Aso si Hector. Panghuli, si Peter ay tahimik samantalang si Hector ay madaldal.
Klaro ang mga pagkakaiba ng dalawang taong ito. Pero, may mga bagay rin na magkapareho sa kanila. Ito ay makikita sa gitna ng ating Venn Diagram. Pareho silang mga lalaki at kahit na magkaiba ang kanilang mga alaga, pareho silang mahilig sa mga hayop.
Dahil magaling sumayaw si Peter, nasa Teatro siya bilang mananayaw, samantala, nasa Teatro rin si Hector ngunit siya ay kumakanta lamang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Spectator In Tagalog – English To Tagalog Translations