Ano Ang Kahalagahan Ng Noli Bilang Estudyante? (Sagot)
NOLI ME TANGERE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal para sa mga estudyante.
Ang Noli Me Tangere o mas kilala bilang Noli ay isa sa pinakamahalagang sulatin sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Para nga sa ibang mga iskolar ito ang naging daan para sa soberanya ng ating bansa.
Nakapaloob dito ang mga tema ng pagbabago, pagsasama, at paglaban para sa kapwa Pilipino at ang kalayaan ng mga mamamayan laban sa pang aabuso. Heto ang mga halimbawa kung bakit ito mahalagang pag-aralan:
- Pagmithi ng ating kalayaan mula sa mga dayuhang Espanyol.
- Mararamdaman mo bilang mambabasa ang sakit at hirap na dinaranas ng mga tauhan sa nobela ni Rizal. Dito, makikita kung paano gusto ng mga bayani na makakuha ng kalayaan ang Pilipinas laban sa ma pang-aping mga prayle at Kastila.
- Pagiging deboto ng mga Pilipino at iba pang tauhan sa pamilya.
- Nakikita rin sa nobelang ito kung paano binibigyan ng importansya ang ang pamilya at ang kanilang mga minamahal sa buhay. Isang halimbawa nito ay ang kuwento ni Sisa at ang kanyang mga anak.
- Pagiging makabayan.
- Si Elias at Crisostomo Ibarra ang ilan sa mga tauhan ng Noli na naghanap ng daan upang makipaglaban sa mga mapang-aping kastila upang makalaya sila sa mga ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Susuportahan Ang Turismo? Halimbawa At Kahulugan