Ano Ang Pagkakaiba Ng Kabihasnan At Sibilisasyon? (Sagot)
KABIHASNAN AT SIBILISASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon at ang mga halimbawa nito.
Ating tandaan na ang isang sibilisasyon at hango sa salitang ugat na “civitas” ng wikang Latin. Ang kahulugan ng salitang ito ay “lungsod”. Samantala, ang kabihasnan naman ay galing sa salitang ugat na “bihasa” na nangangahulugan ng “eksperto”.
Sakop ng kabihasnan ang mga pamumuhay na nakagawian ng maraming grupo ng tao kasama dito ang wika, tradisyon, paniniwala, kultura, sining at iba pa.
Kaya naman, ating masasabi na ang isang sibilisasyon ay ang grupo ng mga taong magkasama sa iisang heograpikal na lugar na may parehong pananaw, kultura, at paniniwala.
Samantala, ang kabihasnan naman ay ang mga wika, tradisyon, paniniwala, kultura at likhang sining na makikita o galing sa isang sibilisasyon. Pero ang pinakamahalagang naitutulong ng isang kabihasnan ay ang kanilang mga ginawa para umangat ang kanilang sibilisasyon.
Isang halimbawa nito ay ang kabihasnang Sumer na gumawa ng:
- Epic of Gilgamesh
- Araro at mga kariton na may gulong
- Palayok
- Perang pilak
- Lunar calendar
- Decimal system
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Ponolohiya? Kahulugan At Halimbawa Nito
Thanks