Ano Ang Balakid? Kahulugan At Halimbawa Ng “Balakid”

Ano Ang Balakid? Kahulugan At Halimbawa Ng “Balakid”

BALAKID – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang balakid at ang mga halimbawa nito.

Ang kahulugan ng balakid ay isang hadlang, harang, o sagabal sa mga dapat gawin o pinaplano ng isang indibidwal o isang grupo.

Ano Ang Balakid? Kahulugan At Halimbawa Ng "Balakid"

Maari ito maging sagabal sa mga tagumpay na nais makamptan ng isang indibidwal o hadlang para matupad ang isang pangyayari.

Heto ang mga halimbawa ng balakid:

  • Dahil sa pandemya, hindi kami naka punta sa bakasyon kasama ng aking pamilya.
  • Ang isang ina ay hindi naka punta sa isang party dahil nagkasakit ang kanyang anak.
  • Hindi na tuloy ang paligsahan dahil sa malakas na bagyo.

Heto ang gamit ng balakid sa mga pangungusap:

  • Ang pagiging mahirap ay hindi naging balakid upang si Peter ay makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho.
  • Naging balakid ang malakas na ulan kaya hindi siya nakadalo sa party.
  • Ang kanyang kasintahan ang naging balakid kung bakit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Konsul? Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment