Ano Ang Halimbawa Ng Ponolohikal Na Varayti Ng Wika?
PONOLOHIKAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at mga halimbawa ang ponolohikal .
Maraming varayti ang wika. Lahat sila ay mahalaga upang lubos nating maintindihan kung paano nabubuo ang mga salita. Bukod sa pagkakaiba sa katawagan at kahulugan, anyo at baybay, mahalaga rin ang pagbigkas ng mga salita.
Ito’y dahil ang pagbabago sa bigkas at tunog ng mga salita ay posibleng maayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito. Sa paggawa ng kani-kaniyang wika, hindi maaari na walang malikha na magkakaibang tunog at bigkas ng mga salita.
Heto ang mga halimbawa:
May nagagawa na kani-kaniyang dialectal accent ang bawat lugar sa isang bansa, lalo na sa Pilipinas na isang arikipelago. Sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng mga sumusunod ng /e/ at /i/, at ng /o/ at /u/.
Makikita natin ito sa pagbigkas ng mga salita katulad ng “pera”. Posibleng maging “pira” ang pagbigkas nito sa ibang mga lugar. Ang “pitaka” ay “petaka”, ang “kuya” ay “koya” at ang “bola” ay “bula”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Talumpating Papuri At Kahulugan Nito