Ano Ang Kahulugan Ng Representatibo? (Sagot)
REPRESENTATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang representatibo at ang kahulugan nito.
Ang representatibo ay isa sa lamang sa dalawang anyo ng wika. Ito’y ginagamit upang ang wikaay makapagbigay ng impormasyon o datos sa iba pang mga indibidwal.
Sa paraang ito, na bibigyan ng impormasyon at nagkakaroon ng nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay tulad ng pag-uulat, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagpapahatid ng mensahe, paglalahad at iba pa.
Ito ay naiiba sa isa pang gamit ng wika na ating kilala bilang heuristiko. Ito naman ang pangangalap ng impormasyon upang matuto at madagdagan ang kaalaman. Kasama na dito ang pagtatanong, pagsasagot at pagkatuto.
Bukod dito, ang heuristiko rin ay ay nagpapahiwatig ng paghingi o paghahanap ng impormasyon sa isang ispisipikong usapin. Ito ang kabaligtaran ng gamit ng wika bilang impormatibo.
Samantala, ang gamit ng wika bilang representatibo ay isa sa pinaka importanteng gamit ng wika. Ito’y dahil ginagamit ito sa pagbibigay ng impormasyon sa paligid natin. Nagbibigay rin ito ng mga mahahalagang impormasyon gaya ng mga batas at kautusan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Batayang Salik Sa Kabihasanan: Pagkakaroon Ng Kabihasnan Halimbawa