Ano Ang Mga Halimbawa Ng Kakayahang Komunikatibo? (Sagot)
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kakayahang komunikatibo at ang mga halimbawa nito.
Alam natin na ang komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang komunidad. Ito ang nagiging pangunahing instrumento sa pagpapalitan ng impormasyon, emosyon, at opinyon sa ating lipunan.
Kaya naman, mahalaga para sa atin na alamin kung ano nga ba ang mga kakayahang dapat natin malaman tungkol sa komunikasyon. Mayroong apat na pangunahing kakayang komunikatibo. Ito ang:
1. Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/Gramatikal – Ang kakayahang lingguwistika ay naglalarawan sa kakayahan ng indibiwal gumawa at umitindi ng maayos at makahulugang pangungusap.
2. Kakayahang Sosyolingguwistiko –Ang kakayahang sosyolinggwistiko ay naglalarawan sa kakayanan ng mga indibidwal na makamit ang atensyon ng madla. Halimbawa nito ay ang pagsasambit ng isang salita ngunit kumpleto na ang kahulugan tulad ng pagsabi ng “hoy!” o “sir!”
3. Kakayahang Pragmatiko – Ang kakayahang pragmatiko ay naglalarawan sa kakayahang sosyo-linggwistika na ating ginagamit araw-araw. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng kakayanang magunawa ng sinasabi o paggalaw ng mga indibidwal at kung ito ay angkop sa nangyayaring sitwasyon.
4. Kakayahang Diskorsal – ito po ay isang bahagi na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Alamat Ng Kamya Aral At Buod Ng Kwento – Ang Alamat Ng Kamya