Paano Tanggalin Ang Puwing? Halimbawa At Iba Pa

Paano Tanggalin Ang Puwing? (Sagot)

PUWING – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin tanggalin ang mga puwing sa ating mga mata.

Lahat naman tayo ay nakaranas na ng puwing, ngunit, mas nangyayari ito sa mga kabataang mahilig lumaro sa labas. Madali lamang tanggalin ang mga ito, pero kapag na irrita na, ay maaaring mag dulot ng masasamang epekto sa ating mata.

Paano Tanggalin Ang Puwing? Halimbawa At Iba Pa

Heto ang mga tips sa kung paano tanggalin ang puwing:

HUWAG MA TARANTA – Kapag tayo’y na puwing, dapat kalmado lamang tayo. Natural na luluha ang ating mga mata dahil sa iritasyon nito. Pero, kasabay ng pagluha na ito ay ang pag-aalis ng mga bagay na nakapasok sa ating mata.

Subalit, kapag hindi lumuha ang mata, puwede nating ikurap-kurap ang mata. Pagkatapos, kapag na pansin na natin na ang puwing ay nasa tabi ng ating mata maaari na itong tanggalin.

HUWAG KUSKUSIN ANG MATA – Heto ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan nating tandaan kapag na puwing. Maaaring magkaroon ng labis na iritasyon sa ating cornea na mag dudulot ng mas malalang karamdaman sa ating mga mata.

MAGPATULONG SA IBA – Kapag hindi mo na kuha ng mag-isa ang puwing, maaari kang magpatulong sa mga kasamahan mo para ma alis ito. Para matanggal niya ito, kailangang ibukas mo ang iyong mga mata. Tumingin sa taas, tumingin sa baba. Tumingin sa kaliwa at kanan para makita niya ang nakapuwing sayo.

Kapag ikaw lamang isa, humarap lamang sa salamin at hanapin kung saan ka napuwing.

PATULUAN NG TUBIG – Kung ang bagay na nakapuwing ay nasa cornea, patuluan ng tubig ang mata para sumabay sa tubig ang bagay na nakapuwing.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pinagmulan Ng Wikang Filipino​ – Saan Ba Nagsimula Ang Filipino?

1 thought on “Paano Tanggalin Ang Puwing? Halimbawa At Iba Pa”

Leave a Comment