Heto Ang Iba’t-Ibang Opinyon Tungkol Sa Online Class O Distance Learning
ONLINE CLASS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng opinyon tungkol sa distance learning o online class.
Dahil sa pandemyang COVID-19, napilitan ang mga estudyante at mga guro na lumipat sa bagong “distance learning” na plataporma. May dalawang klasi ng “distance learning” ang pwedeng gawin – online class at modules.
Para sa ibang mga tao, maganda ang online class dahil maaari silang mag-aral sa loob ng kanilang mga bahay. Pero, para sa ibang guro at estudyante, mahirap ito dahil sa kakulangan ng gamit para maka online class.
Marami sa ating mga Pilipino ang wala pa ring magandang signal para maka pasok sa online class. Bukod dito, hindi lahat ay may teknolohiya para lubusang magamit ang online class na plataporma.
Pero, ayon sa DepEd, maaari rin namang gamitin ang mga pisikal na modules. Subalit, mahirap din ito kasi parang “self-study” lamang ang kalabasan ng mga modules. Walang tamang pag-aaral na nagaganap kasi walang guro na tumatalakay sa mga leksyon.
Dahil dito, marami na lamang ang nagpapasagot sa kanilang mga magulang sa kanilang module o naghahanap ng mga sagot online. Kaya naman, marami ang hindi nagkagusto sa modular learning.
Sa mga naka online class naman, karamihan ay nasayahan sa simula, pero sa huli, na puno ang mga estudyante ng gawain. Dahil hindi face-to-face ang mga klase, nagkaroon na lamang ng mas maraming gawain o online modules ang mga estudyante.
Kahit ano man ang opinyon mo sa online class, ang mahalaga ay lahat tayo ay dapat magkaroon ng pantay at sapat na oportunidad para maka aral. Bukod dito, dapat tinatanaw natin ang kalusugan at kaligtasan ng lahat bilang prioridad.
BASAHIN DIN: Tungkulin Ng Mga Prayle – Ano Ang Tungkulin Ng Mga Prayle? (Sagot)