Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Naratibo?”
NARATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang naratibo, saan ito ginagamit, at ang kahulugan at halimbawa nito.
Ang isang naratibo o “narrative” sa Ingles, ay ang pagsasalaysay at ang pagbigay ng impormasyon sa iba’t-ibang uri ng plataporma o paraan. Maaari kang magbigay ng naratibo sa isang teksto o kaya sa isang pasalitang pamaraan.
Ating tanadaan na ang naratibo ay isang paglalahad ng impormasyon sa pananaw ng isang tao. Maaari itong maging makatotohanan, isang opinyon, o kaya ay isang kasinungalingan. Minsan, may mga naratibo rin na para sa mga taong nagbibigay nito ay tama pero mali pala ang pinagkunan nito ng pangunahing impormasyon.
Halimbawa: May nangyaring aksidente sa pagitan ng isang motor at isang sasakyan. Nakita sa CCTV na nag signal na ang sasakyan na ito’y liliko. Subalit, huli nang nakita ng motor ito at siya ay nakabangga sa sasakyan.
Sa naratibo ng driver ng sasakyan, siya ay nasa tama, nag signal ito ng maaga ngunit hindi niya na malayan na hindi pala siya nakita ng naka motor. Samantala, sa naratibo naman ng driver ng motor, hindi raw nag signal ang sasakyan kaya nagpatuloy itong dumiretso.
Ang tekstong naratibo naman ay maaaring gamitin sa mga kathang-isip para maipakita ang isang pangyayari na paniniwalaan ng mga tao. Pero, ang paggamit ng naratibo sa isang tekstong paraan ay kadalasang pasalaysay na naglalaman ng katotohanan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Konsensya – Kahulugan At Halimbawa Nito