Ano Ang Konsensya – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Ng Konsensya?”

KONSENSYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng konsensya at ang iba’t-ibang mga halimbawa nito.

Lahat tayo ay mayroong konsensya, ngunit, na sa atin pa rin kung susundin natin ang sigaw nito. Ating malalaman kung tayo ay na konsensya sa isang simpleng paraan.

Halimbawa, kapag may gagawin kang masama katulad ng pandaraya sa isang pagsusulit, mayroong parte sa ating kalooban na nagsasabing mali ito at hindi dapat gawin. Dahil dito, tayo ay nagdadalawang isip kung itutuloy pa naman kung hindi.

Ano Ang Konsensya – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ngunit, may mga pagkakataon din na hindi na pumapasok ang konsensya dahil ikaw ay sigurado na sa desisyon. Pero, kapag natapos na ang iyong ginawa, kadalasan ay dito na pumapasok ang konsenya.

Ating tandaan na ang konsensya ay naka-ugnay din sa pansariling moralidad o ang mga batas moral na itinanim sa atin. Ang isang halimbawa nito ay ang pagkakaiba ng mga kultura. Sa ibang kultura, tama lamang at parte ng buhay ang pagpatay sa mga kuneho. Pero, para naman sa iba, mali ito at sila’y dapat ginagawa lamang na mga “pet”.

Mayroon ding apat na klase ng konsensya ito ay ang:

  • Tamang Konsensya
    • ang iyong mga hakbangin ay naayon sa kaloob ng diyos at makabubuti sa iyong sarili at sa iyong  kapwa
  • Maling Konsensya
    • tumutukoy sa mga maling pagpapasya na iyong nagawa o gagawin palang. Ang iyong mga desisyon ay hindi nakabubuti sa lahat.
  • Tiyak na Konsensya  
    •  mayroon kang mga basehan kung tama ba o mali ang iyong gagawin
  • Di tiyak na Konsensya
    • tumutukoy sa mga pagpapasyang di tiyak nangangahulugan na ikaw ay may pag aalinlangan sa mga gagawin mo o ikikilos dahil wala kang basehan

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Patalastas Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Leave a Comment