Ano Ang Mga Halimbawa Ng Kaugnayan Ng Salawikain Sa Kasalukuyan? (Sagot)
SALAWIKAIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga kaugnayan ng salawikain sa kasalukuyang panahon at ang mga halimbawa nito.
Ang mga salawikain o mga kasabihan ay mga aral na ating mapagkukunan ng mga aral. Ang mga aral na ito ay nagiging gabay natin sa ating pang araw-araw na buhay.
Kahit na luma ang karamihan sa mga kilalang salawikain, ito pa rin ay sumasalamin sa kasalukuyang panahon. Ito’y dahil ang mga kasabihang napapaloob sa mga salawikain ay galing din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at mga taong nakakatanda sa atin.
Halimbawa:
Kung ano ang puno, siya ang bunga – ang salawikaing ito ay nagsasabi na kung ano ang pinagmulan ng isang bagay o desisyon yun rin ang magiging kalabasan nito. Kaya, kung ika’y gagawa ng masama, kasamaan rin ang ma idudulot nito.
Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran – ang salawikaing ito ay nagsasabi na lahat tayo ay may kakayahang gumawa ng ating sariling kinabukusan.
Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama – Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa ng Salawikain: 15+ Halimbawa ng mga Salawikain