Bakit Binansagang Pilosopo Si Tasyo? (Sagot)
TASYO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba binansagang isang pilosopo si Tasyo at ang dahilan at paliwanag nito.
Si Tasyo ay isang dating estudyante ng Pilosopia. Subalit, siya ay huminto sa kanyang edukasyon dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng kanyang inang may edad na. Hindi dahil sa kahirapan ang dahilan kung bakit napilitan ang ina nito na ipatigil si Tasyo sa kanyang pag-aaral.
Ang dahilan nito ay dahil natakot ang kanyang ina na baka sa patuloy nitong pag-aaral ay malimutan ng anak ang Diyos kaya ito’y pinapili kung alin ang mas matimbang sa kanya – pagiging Pare o pag-aaral sa Kolehiyo.
Bago paman ito, si Tasyo ay mayroon ng kasintahan. Matapos itong pinagpili ng ina, pinakasalan na lamang ni Tasyo ang kanyang sinta at hindi na tumuloy sa pag-aaral. Ngunit, magkasunod na namatay ang asawa nito at ina.
Dahil dito, ginugol na lamang ni Tasyo ang oras niya sa pagbabasa ng mga libro para ma limutan ang sakit na nararamdaman. Ngunit naengganyo na siya sa kaaral at pagbili ng mga aklat kaya napabayaan na niya ang kayamanag kanyang namana.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sitwasyong Panlipunan Halimbawa At Kahulugan Nito