Sitwasyong Panlipunan Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Halimbawa Ng Sitwasyong Panlipunan? (Sagot)

SITWASYONG PANLIPUNAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang mga halimbawa ng sitwasyong panlipunan at ang kahulugan nito.

Ang mga sitwasyong panlipunan ay nagaganap dahil sa komunikasyon. Ayon kay Jakobson (2003) – may anim na paraan ng paggamit ng wika upang maitaguyod ang sitwasong panlipunan. Ito ang mga sumusunod:

Sitwasyong Panlipunan Halimbawa At Kahulugan Nito
  1. Pagpapayahag ng Damdamin
  2. Paghihikayat
  3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan
  4. Paggamit bilang Sanggunian
  5. Pagbibigay ng Kuro-kuro
  6. Patalinghaga

Maraming halimbawa ng sitwasyon sa lipunan ang ating matatagpuan sa pang araw-araw nating buhay. Ito ay dahil sa paggamit ng komunikasyon bilang instrumento ng paglilipat ng datus at impormasyon.

Ang pagpapahayag ng damdamin sa Ingles ay tinatawag na “emotive”. Uti ang palutangin ang karakter ng nagsasalita. Samantala ang paghihikayat naman ay tinatawag na conative. Dito, ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos. Ang halimbawa nito bilang isang sitwasyon sa lipunan ay ang pagtatalumpati ng isang politiko tungkol sa isang isyu.

Samantala, ang pagsisimula ng pakikipag-ugnayan naman ay natatawag na (Phatic). Ito ang panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa. Bukod dito, ang paggamit ng bilang sanggunian o “referential” sa Ingles, ay nagsisimula sa wika na indayog ng awiting ng mga taong nagtatrabhao nang sama-sama.

Ang Pagbibigay ng Kuro-kuro naman ay ang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas. At ang patalinhaga o (poetic) ay ang masining na paraan ng pagpapahayag.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Bagay Na Sumisimbolo Sa Kalayaan Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment