Paano Naiiba Ang Dula Sa Ibang Uri Ng Panitikan? (Sagot)
PAANO NAIIBA ANG DULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit at paano nga ba naiiba nag isang dula sa iba pang uri ng Panitikan. Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang tinatawag na dula.
Ang isang dula ay isa ring uri ng panitikan. Ito’y naglalarawan sa isang tanghalan sa entablado ng mga tagpo sa isang kwento. Kadalasan, ang Dula ay sumasalamin o nakabase sa totoong buhay maliban sa mga lugar na kathang isip lamang.
Dahil ang maraming elemento sa isang dula bukod sa pantikang nakasulat, ito’y naiiba sa iba pang uri ng panitikan. Hindi lamang sulat sa papel na binabasa ang isang dula. Ito’y nangangailangan ng dedikadong grupo ng mga tao para magawa.
Mayroong production team para gumawa ng mga props sa stage para maging mas nakakabilib ang mga lugar, direktor para maisaayos lahat ng pangyayari, at ang mga aktor na nagbibigay buhay sa mga tauhan sa isang dula.
Ngunit, ang pinakamahalagang elemento ng isang dula ay ang manood. Kung wala sila, walang silbi ang isang dula. Ito rin ang isang dahilan kung bakit naiiba ito ibang uri ng panitikan.
Hindi nabubuhay ang isang dula kapag walang manonood. Halimbawa, kapag ikaw ay isang awtor, mabubuhay lang ang sulat mo kahit walang mambabasa. Pero, kung kayo ay gumagawa ng dula, dapat mayroong manonood dahil ang pagtatanghal ay magagawa lamang sa harap ng mga tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Konseptong Papel Kahulugan At Mga Halimbawa Nito