Heto Ang Mga Hakbang Sa Sistematikong Pagsulat Ng Pananaliksik
SISTEMATIKONG PANANALIKSIK – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang walong (8) hakbang sa pagsulat ng sistematikong pananaliksik.
Nakasulat sa panuto na: “Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paguslat ng sistematikong pananaliksik gamit ang graphic organizer. Ating Gawing gabay ang mga bilang na nasa loob ng kahon.
Mayroong walang hakpang sa pagsulat ng pananaliksik. Heto ang mga sumusnod:
Unang Hakbang – Maghanap at maglimita ng paksa. Ang paksang ito ay dapat may kaaalaman ka na, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
Ikalawang Hakbang – Guwama ka ng temporaryong balangkas. Ilahad sa pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Kasunod nito, ilagay ang mga layunin, itala o ilista ang mga tanong, at pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
Ikatlong Hakbang – Itala ang mga sanggunian. Ating tandaan na dapat hindi nating takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian.
Ikaapat na Hakbang – Kumulekta o kumuha ng datos. Tandaan na ang mga magkaparehas na paksa ay importante dahil ang dating kaalaman sa mga nabasa ay mag bibigay ng ideya sa manunulat. Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian
Ikalimang Hakbang – Gumawa ng konseptong papel. Ito’y nagagamit natin kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. Bukod dito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
Ikaanim na Hakbang – Gawin ang dokumentasyon. Mahalaga ito upang masinup ang mga datos. Para dito dapat tayong gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.
Ikapitong Hakbang – Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.
Ikawalang Hakbang – I-proof read o ipa review sa isang “proof reader” o panel ang iyong gawang sulating pananaliksik at ipasa kung ito’y naaprubahan na.
BASAHIN DIN:Bakit Mahalaga Ang Pagsusuri – Kahulugan At Halimbawa