Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Pagsusuri”?
PAGSUSURI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pagsusuri at ang mga halimbawa nito.
Ang pagsusuri ay is sa pinakamahalagang bagay na kailangan nating matutunang lahat. Sa ating pang araw-araw na buhay, maraming mga opinyon, ideya, at isyu ang haharap sa atin.
Kaya naman, hindi dapat tayo makinig na lamang sa kung ano ang sinasabi ng iba. Ito’y dahil sa panahaon ngayon, madali lamang ang pagkakalat ng mga pekeng balita na walang basehan.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsusuri. Bukod sa nagbibigay ito ng pansariling opinyon sa mga isyu, ang personal na pagsusuri ay nagpapatalas ng ating kritikal nag pag-iisip.
Karagdagan, ang ating kaalaman ay lumalawak din at minsan ay nagbabago ang ating perspektibo sa mga nakaraang mga isyu. Alam naman nating lahat na ang tama at wastong impormasyon ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ng isang komunidad.
Samantala, sa mundo naman ng panitikan, sumasalamin kung ano ang pinagdaanan nito mula pa sa mga dating panahon hanggang ngayon. Ang pagsusuri ng anumang panitikan ay mga batayan kung anu uri siya kabilang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Naiiba Ang Dula Sa Ibang Uri Ng Panitikan?