Ano Ang Neokolonyalismo? (Sagot)
NEOKOLONYALISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na neokolonyalismo ang kahulugan nito at mga halimbawa.
Ang neokolonyalismo ay ang impluwensyang panlipunan at pangkultura ng mga mananakop. Ito’y impluwensya na walang ginamit na military o pulitikal na kontrol para makamit.
Bukod dito, ang salitang “neo” ay nangangahulugang “makabago”. Kaya naman, kung ating titignan ang buong salita, ang “neokolonyalismo” ay ang pagsakop ng isang mas makapangyarihang bansa sa isang bansa na mahina at inabuso ito sa ekonomikal na paraan.
Ito ay ating matatawag na makabagong paraan ng pananakop sa isang mapayapang pamamaraan. Kadalasan, hindi mo na mamamalayan na ang isang lugar ay nasakop na dahil walang dalang pwersa at dahas sa pananakop.
Ang isa sa mga pangunahing layunin ng neokolonyalismo ay ang pagsakop ng mga mahihirap na bansa at kontrolin ito. Isa sa mga paraan na ginagawa ito ay ang pagpapautang ng pera sa bansang mahirap. Pero, dahil masyadong mahirap ang bansa, hindi na nila mababayaran ang perang ito.
Kaya naman, napipilitan silang gawin ang kagustuhan ng bansang nagpapautang sa kanilang. Maaari itong gawin sa paraan ng pagbigay ng malaking pabor o pagbigay ng mahalagang parte ng natural na yaman.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Panghalip Panaklaw Halimbawa At Kahulugan Nito