Heto Ang Mga Halimbawa Ng Panghalip Panaklaw At Kahulugan Nito
PANGHALIP PANAKLAW – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng panghalip panaklaw at ang kahulugan nito.
Ang panghalip panaklaw ay mga salitang panghalili o pamalit sa pangalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatnan. Bukod dito, tumutukoy din ito sa isang pangalan na hindi tiyak o walang katiyakan kung ano nga ba ito.
Heto ang mga halimbawa:
- sinuman
- kaninuman
- gayunman
- alinman
- saanman
- Walang sinuman ang makakapigil sa akin sa pag-abot ng aking mga pangarap.
- Higit kaninuman, ang ating ama ang siyang nagbibigay sa atin ng proteksyon.
- Masama ang loob ni Anita sa pagkatalo sa paligsahan, gayunman minabuti pa rin niyang batiin ang kamag – aral.
- Alinman sa sampung mga aplikante ang posibleng matanggap sa kompaniya natin.
- Saanman sa mundo, narito lang ako para sa iyo.
Samantala, ang mga katagang “tanan, madla, balana, lahat, at pawa” ay mga halimbawa ng panghalip panaklaw, pero, ang mga ito ay walang lapi. Karagdagan, ang mga katagang “sinuman, kaninuman, saanman,” ay mga panghalip panaklaw na may lapi.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Solicitation Letter Tagalog Halimbawa At Iba Pang Kaalaman
please be specific in giving answer to my questions..thank you very much..