Hamong Pangkapaligiran Halimbawa At Kahulugan

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Hamong Pangkapaligiran

HAMONG PANGKAPALIGIRAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang mga halimbawa ng hamong pangkapaligiran.

Ang mga hamong pangkapaligiran ay ang mga suliranin o napapanahong mga isyu tungkol sa ating paligid na maaaring makaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa komunidad. Bukod dito, ang mga isyong ito ay hindi lamang nakaka-apekto sa buhay kundi pati sa kalusugan na nakakasama sa sarili.

Maraming halimbawa ang maaari nating makita sa kasalukuyang panahon. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Suliranin sa solid waste at solid waste management. Ito ang paraan o sistema ng pagtapon ng basura.

Hamong Pangkapaligiran Halimbawa At Kahulugan

Kadalasan, ang mga basura ay tinatambak lamang sa isang lugar. Pero, dahil hindi ito nabubulok, nagkakaroon ito ng problema, lalo na kapag uulan ng malakas.

Isa rin sa mga halimbawa ng pangkapaligiran na hamon ay ang pagkasira ng mga likas na yaman (kagubatan,yamang tubig,yamang lupa). Ang pag-iba ng klima o Climate change ay isa rin sa mga mahahalagang hamon na hinaharap natin.

Dahil sa patuloy na pag-init ng mundo, mas rumarami at lumalakas ang mga bagyo kung i kompara sa dati. Heto pa ang ilang halimbawa:

  • yamang kagubatan(ex. deforestation)
  • yamang tubig(ex. alkalinization)
  • yamang lupa(ex. salinization).

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Haiku Tungkol Sa Kalikasan: 5+ Halimbawa Ng Mga Haiku

Leave a Comment