Ano Ang Demokrasya? (Sagot)
DEMOKRASYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na demokrasyaat ang kahulugan at halimbawa nito.
Ang demokrasya ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang mga taong bayang ay may kapangyarihang ilagay sa pwesto ang taong gusto nilang mamumuno. Ito ay nanggaling sa Griyegong “demos” na ang kahulugan ay “tao” at “kratos” naman na “kapangyarihan”.
Dahil dito, ang demokrasya ang matatawag na “kapangyarihan ng tao”.
Kadalasan, ating makikita ang demokrasya sa isang politikong konteksto. Ito ay mahalaga dahil sa pamamagitan ng demokrasya, maipapahayag ng mga ordinaryong tao at miyembro ng komyunidad ang kanilang mga pananaw.
Masasabi natin na ang isang bansa ay demokratiko kapag:
- Kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao.
- Ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin.
- Ang mga tao ay may pantay na mga karapatan at pribilehiyo.
- Kapag nasa taong bayan ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang lugar o bansa.
Ilan lamang sa mga halibawa ng mga bansa na gumagamit ng demokrasya ay ang:
- Pilipinas
- Norway
- United States
- Sweden
- New Zeland
- Canada
- Germany
- France
- Portugal
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Radio Broadcasting Script Tagalog Halimbawa At Iba Pa