Ano Nga Ba Ang Replektibong Sanaysay At Ang Mga Halimbawa Nito
REPLEKTIBONG SANAYSAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang replektibong sanaysay at ang mga halimbawa nito.
Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng sulating pampanitikan na isang uri tuluyan o prosa. Ito ay nangangailangan ng sariling opinyon o perspektibo tungkol sa isang paksa. Dahil hindi ito pormal na sulatin, maaaring maging masining ang tagasulat sa kanyang mga pananaw at damdamin.
Heto ang mga halimbawa:
- proposal
- konseptong papel
- editoryal
- sanaysay
- talumpati
Heto ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay sa pelikulang “Bad Genius” na isinulat ni Dianne Agnas:
Ang pandaraya sa paaralan ay isang bukas na sekreto.Kahit sinong estudyante ay ginagawa ito lalo na kung nahihirapan at wala ng ibang pagpipilian pa.Halos lahat ay ginagawa ito ngunit hindi napag-uusapan dahil walang estudyante ang gusto nito.
Ang Bad Genius ay pelikula sa Thailand kung saan tinalakay ang isyu ng pandaraya sa loob ng paaralan. Kwento ito ni Lynn na isang napakatalinong estudyante sa Senior High School kung saan tinulungan nya ang kanyang mga kaibigan sa pagpapakopya kapalit ng bayad.Minsan kahit may mga patakaran ay hindi natin maiiwasang lumabag kahit alam nating masama ito.
Kumakapit tayo sa patalim para lang umangat pero kung magkakaroon tayo ng kumpyansa na gawin ang ng bagay na hindi natin kaya o kung saan tayo mahina ay maaaring magkaroon tayo ng pag-asang matutunan ito. Sa pelikula ay pinakita ang kanilang estratehiya sa pandaraya sa mga test para lang makakuha ng mataas na grado.
Ipinapakita sa pelikula kung paano nangyari ang pandaraya sa loob ng paaralan, ang pandaraya na hindi maiiwasan, ang paglabag ng mga may katungkulan at kung paano napapagalaw ng pera ang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Aba Ginoong Maria Lyrics At Ang Kahulugan Ng Kanta
WOW! Salamat po.