Ano Ang Pagkakaiba Ng Salitang Balbal At Kolokyal? (Sagot)
BALBAL AT KOLOKYAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng salitang balbal at kolokyal.
Ang mga salitang balbal at kolokyal ay maraming pagkakahawig. Ito ang grupo ng mga salita na ating matatawag natin na “di-pormal”. Subalit, may malaking pagkakaiba ang dalawang uri ng salitang ito.
Ang salitang pabalbal o balbal ay katulad ring ng kolokyal na di pormal. Ngunit, ito ay tinatawag nating “slang” sa Ingles. Ito ay mga bagong salitang nabuo sa pamamagitan ng pag sama-sama ng iba’t-ibang salitang Filipino o salitang banyaga.
Kadalasan, sinasabi na ang salitang balbal ay “salitang kalye” at tinuturing pinakamababang antas ng ating wika. Heto ang mga halimbawa:
- syota – kasintahan
- datung – pera
- todas – patay
- olats – talo
- dekwat – nanakaw
- purita – mahirap
Samantala, ang salitang kolokyal naman ay masasabing pinaikling bersyon ng isang salitang pormal. Nagtataglay ito ng kagaspangan subalit maaari rin namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Halimbawa:
- Nasan – nasaan
- Pyesta – pista
- Dalawa – dalwa
- Saakin – akin
- Ganoon – ganun
- Naroon – naron
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Relationship Between Tourism And Hospitality – Examples