Ano Ang Mga Katangian Ng Talumpati At Mga Halimbawa Nito?
TALUMPATI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t-ibang katangian ng isang talumpati at ang mga halimbawa nito.
Una sa lahat, atin munang balikan kung ano nga ba ang kahulugan ng isang talumpati. Ang talumpati ay isang buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na ibinabahagi sa pamamagitan ng pagsasalita sa isang entbalado.
Ito ay may tatlong uri:
- Talumpating Walang Paghahanda
- Talumpating Pabasa
- Talumpating Pasaulo
Samantala, ang mga katangian naman nito ay mahalagang pag-aralan upang mas lalong maintindihan ang sining na ito. Heto ang mga halimbawa ng katangian nito:
- Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o makahikayat ng mga nakikinig .
- Ito rin ay nagpapahayag ng isang kaisipan sa paraang maanyo.
- Ang talumpati ay isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig .
- Ang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa.
Bukod rito, ang mga talumpati rin ay may iba’t-ibang mga layunin depende sa kagustuhan ng tagasalita. Ang isang talumpati ay maaaring maging:
- Talumpati ng Pagpapakilala
- Talumpati na Nanghihikayat
- Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala
- Talumpati ng Pagsalubong
- Talumpati ng Pamamaalam
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Sariling Kaunlaran Halimbawa At Paliwanag
ano ang katangian ng talumpati?