Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Mga Katangian Ng Talumpati At Mga Halimbawa Nito?

TALUMPATI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t-ibang katangian ng isang talumpati at ang mga halimbawa nito.

Una sa lahat, atin munang balikan kung ano nga ba ang kahulugan ng isang talumpati. Ang talumpati ay isang buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na ibinabahagi sa pamamagitan ng pagsasalita sa isang entbalado.

Katangian Ng Talumpati – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ito ay may tatlong uri:

  • Talumpating Walang Paghahanda
  • Talumpating Pabasa
  • Talumpating Pasaulo

Samantala, ang mga katangian naman nito ay mahalagang pag-aralan upang mas lalong maintindihan ang sining na ito. Heto ang mga halimbawa ng katangian nito:

  • Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o makahikayat ng mga nakikinig .
  • Ito rin ay nagpapahayag ng  isang kaisipan sa paraang maanyo.
  • Ang talumpati  ay isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig .
  • Ang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa.

Bukod rito, ang mga talumpati rin ay may iba’t-ibang mga layunin depende sa kagustuhan ng tagasalita. Ang isang talumpati ay maaaring maging:

  • Talumpati ng Pagpapakilala  
  • Talumpati na Nanghihikayat  
  • Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala  
  • Talumpati ng Pagsalubong  
  • Talumpati ng Pamamaalam  

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Sariling Kaunlaran Halimbawa At Paliwanag

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Katangian Ng Talumpati – Halimbawa At Kahulugan Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.