Ano Ang Kabuhayan Ng Sinaunang Pilipino? (Sagot)
Kabuhayan Ng Sinaunang Pilipino – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino o ating mga ninuno.
Katulad lamang ng ibang pangkat ng tao, ang mga trabaho ng ating mga ninuno, malaking bahagi ng kanilang kabuhayan ay nakabatay sa kanilang kapaligiran. Sa sinaunang panahon, hindi pa laganap ang kalakalan at iba pang kaugnay sa hanp buhay.
Bukod rito, umaasa sa mga likas na yaman ang tao noon upang mag hanap buhay. Ang mga likas na yaman ang naging batayan ng mga gawain ng mga sinaunang Pilipino.
Mayroong tatalong pangunahing hanapbuhay ang mga sinaunang Pilipino. Kadalasan, nagiging kabuhayan nila ang mga sumusunod:
- Pangangaso
- Pagsasaka
- Pangingisda
- Pag-aalaga ng hayop
Pagkalipas ng panahon naging bahagi na rin ng kabuhayan nila ang pangangalakal nang magkaroon ng labis na ani at alagang hayop na maaari nilang ipalit sa ibang pangangailangan.
Sa sinaunang panahon, ating tandaan lamang na hindi pa ganun ka lawak ang abot ng teknolohiya. Kaya naman, mas ginagamit pa ng mga tao ang ating likas na yaman. Pero, sa panahong iyon, ang likas na yaman ay napapanatili pa dahil hindi pa abusado ang mga tao.
Sa ngayon, malaking parte na ng likas na yaman ng Pilipinas ang nasisira dahil sa pag-angat ng ating ekonomiya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: KINADESTINUHAN Kahulugan Sa Tagalog At Iba Pang Kaalaman