Ano Ang Kahulugan Ng Salitang “Kinadestinuhan”? (Sagot)
KINADESTINUHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang kinadestinuhan.
Makikita natin agad na ang salitang ugat para sa kinadestinuhan ay ang salitang “destino” o “destination” sa Ingles. Ngunit, sa mga sinaunahang panahon sa Pilipinas, ang salitang ito ay ginagamit upang sabihin kung saan ang isang tao naka destino o nakatira.
Isa rin sa mga kahulugan nito ay kung saan naka destino ang isang tao para sa kanyang trabaho. Samantala, ang salitang destino naman ay ginagamit upang ipakita nag pook na pinagtalagahan.
Halimbawa: Nagtaka si Peter; sa parokya ng San Enrique, na huli niyang kinadestinuhan, tumutubo ang lahat ng papayang kanyang itanim. Dito, makikita natin na ang kahulugan ng salita ay tumutukoy sa lugar kung saan huling nagtrabaho si Peter.
Heto pa ang ibang mga halimbawa:
- Maraming Seaman ang palipat-lipat ng kanilang kinadestinuhan, ito’y parte lamang ng kanilang trabaho.
- Ako na ang naging puno ng sangay niyon dito sa San Roque, ngunit bago ako natalaga rito ay marami muna akong kinadestinuhan.
- Pumunta ako sa Manila noong bata pa ako, ngayon dito na ang aking kinadestinuhan.
- Sa kinadestinuhan mo sa Mindanaw o Kabisayaan, aling pook ang nagbigay sa iyo ng pinakamagandang alaala at bakit?
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kalakasan O Pababang Aksyon Kahulugan At Halimbawa